Sunday, January 13, 2013

01-01-13

hindi ko alam kung ano meron, pero masakit pa rin.
hindi ko alam kung bakit, pero masakit pa rin.
hindi ko alam kung papaano, pero masakit pa rin.

hindi ko pa kaya, pero kelangan tanggapin.
hindi ko pa kaya, pero wala ng magagawa.

wala na lang talaga siguro kaya kelangan tanggapin.

APOY, hindi diyan natatapos ang mundo mo.
APOY, hindi mo kaya pero ipakita mo na ayos ka na.
APOY, siguro tama sila na hindi, wala kang pagasa sa kanya.

pero mahal ko pa rin siya.
pero hindi pa rin siya mawala sa isip ko.
pero ang hirap kasi araw-araw ko pa rin siya nakikita.

kung pwede lang sana...


akala ko kahit wala na magiging maayos pa rin.
akala ko kahit wala na kaya ko pa rin kitang kausapin.
akala ko kahit wala na kaya ko sabihin na bestfriend naman kita.

JANUARY 1, 2013 - sana sinabi mo agad na mahal mo pa rin siya.
JANUARY 1, 2013 - sana hindi mo na ako tinext pa.
JANUARY 1, 2013 - sana hindi mo na sinabing namimiss mo ako.

JANUARY 1, 2013 - dahil dun akala ko ok pa tayo.
JANUARY 1, 2013 - dahil dun akala ko may pagasa pa ako.
JANUARY 1, 2013 - dahil dun kaya ako nagkakaganito.

JANUARY 1, 2013 - masaya na sana.


Sunday, July 1, 2012